amazing....
noong una nga medyo hesitant kami to have the 4D ultra sound. medyo malaki kse ang difference ng price nya sa 2D ultra sound and sabi ng iba, di nga daw worth it. ipambili na lang daw namin ng gamit ng baby yung money. so nag canvass muna ako sa mga hospitals ng price nila for 4D ultrasound and I found out na kaunti lang pala mga hospitals dito na nag o-offer ng 4D ultrasound. Even Makati Med still does not have the 4D equipment.
Medyo na dissapoint nga ako noong una kse yung first 2 hospitals (St. Luke's & Cardinal Santos) na nag o-offer ng 4D Ultrasound, sobrang mahal nya. Buti na lang na-alala ko yung friend ko and sa Medical City sya nag pa pacheck up and nabangit nga nya na may 4D Equipment na sila don. And noong tumawag ako, mas cheaper sila ng a few hundred bucks compared sa St. Lukes & Cardinal Santos.
So we decided to go for it. Kse sabi nga namin ni Howell di na namin makikita ulit baby namin inside my womb and paglaki ng baby namin, papakita namin sa kanya yung mga video files and picture nya while she is still in my womb.
We had the 4D ultrasound last October 8. Ang aga nga namin nagising ni Howell kse excited kami pareho. When it is our turn na, sabi ng sonologist, nakatakip daw yung arms & hands ng baby namin sa face nya. Ginalaw galaw nya yung tummy ko para mag iba ng position baby namin pero naka indian sit pala si baby bela and nakatukod yung siko nya sa tuhod nya kaya kahit anong galaw ng sonologist sa tyan ko, ayaw pa rin mag iba ng position si Bela. So sabi nila kumain daw muna kami and maglakad lakad para gumalaw ang baby namin and pinabalik nila kami after 45 minutes.
So kumain muna kami and naglakad lakad then tsaka kami bumalik. Habang nag iintay kami na tawagin ulit, naramdaman ko na gumagalaw na si Bela. So sabi ko kay Howell, baka nag iba na sya ng position. Kinakausap din sya ni Howell habang nag iintay kami para nga sabihin kay Baby Bela na mag change na sya ng position nya.
And we're so happy kse tinaggal na nya hands nya sa face nya kaya the sonologist we're able to get a good picture of his face. Dami nga nilang na capture na video file & pictures. Ang tagal nga namin kse mabait yung sonologist and kuha lang sya ng kuha ng pictures & videos kaya sobrang enjoy talaga. And sabi ko nga kay Howell it was really worth it.
Indeed, it was another heart warming experience for me & Howell to see our Baby Bela while she is still in my womb....
Here are some pictures of her Ultrasound
ysabela in the womb @ 34-35 weeks
future lisa macajua?
You can view more of her Ultrasound Pictures at Ysabela's Webshot account.