7

MY BIRTHING KWENTO

Posted by abie on 3:30 PM in
it has been a while since I last posted a message here at my blog. i have been busy being a mom to our little princess YSABELA MARGRETTE....

I gave birth last Nov 16, 2005, 2:00 pm at the Chinese General Hospital via Caesarean delivery.

November 5 - I was required by my OB to have a Bio-Physical Score and a Non-Stress Test. And nakita nya sa BPS result ko na mababa na ang level ng amniotic fluid index (8.4 cm) ko and pag di pa ako nanganak in 3 days, kailangan ulit ako mag pa BPS para ma check yung level ng AFI ko. Hindi daw kse pwede bumaba sa 5 cm yung AFI ko. And if bumaba na sya sa 5cm, ma scheduled CS ako

November 8 - I had another BPS and NST kse hindi pa din nag o-open cervix ko. It is still not below 5 cm (6.8 cm) kaya sabi ng OB ko pwede pa namin intayin hanggang sa due date ko, which is November 16. But I have to have another BPS and NST on November 10 to check again my AFI. Pero binigyan na din nya ako ng mga endorsement letter sa DR, para in case na maglabor na ako, pwede na daw ako dumiretso sa DR.

November 10 - May conference lahat ng doctor ng Chinese General so nirefer ako ng OB ko sa Medic Lab. My OB gave me instructions to call her and report to her my AFI. And if it is below 5 cm, magpa admit na daw ako that afternoon para I-CS na nya ako by Nov 11, am. So ready na ako ma CS kaya nag file na ako ng leave sa office. Pero nagulat ako kse tumaas na naman ang AFI ko. From 6.8 cm naging 12.1 cm na sya. So noong tinawag ko sa OB ko yung result ng BPS ko, sabi nya ok pa daw yun kaya balik na lang daw ako for check up and another BPS on November 15.

November 15 - My AFI is 5.8 cm na lang kaya ineschedule na nya ako for CS ng November 16 ng hapon. Hindi ko kasama si Howell noong check up kaya tinext ko sya to give him a heads up na magpapaadmit na ako that evening. Umuwi muna kami ng mom & dad ko para kunin na yung mga gamit na dadalhin namin sa hospital. Pagdating sa bahay, I tried to sleep para ma relax ako pero hindi din ako makatulog kse kinakabahan na ako. After eating dinner, hinatid na kami ng mom & dad ko sa hospital. Noong naka settle na kami sa room ko, umuwi na sila and sabi babalik na lang sila tomorrow am.

November 16 - I ate my first & last meal for that day around 5:30 am. Di na kse ako pwede kumain after 6AM. Then around 6:30 nilagyan na ako ng dextrose. Around 12 pm, sinundo na ako ng nurse para ihatid ako sa OR. Howell, his sister, my mom & dad and and my Tita Jie was there para ihatid ako sa OR. Habang papunta kami sa OR, naiyak talaga ako sa takot. Buti na lang mabait yung mga nurse na kasama ko while waiting for my OB and anaesthesiologist sa OR. Nakipag kwentuhan sila sa akin kaya medyo na relax ako. Tinanong ko din yung asst. ng anaesthesiologist ko kung masakit ba yung anaesthesia kse sa spinal sya itusok. And inexplain naman nya sa akin and hindi daw sya masakit kaya nabawasan din nerbyos ko. And tama nga sya, kse wala talaga akong naramdaman noong tinusok na sa akin yung anaesthesia. A few minutes after, wala na talaga akong maramdaman from my abdomen down.

Around 1:30 noong nag start yung operation ko. Medyo inaantok ako and medyo umiikot paningin ko (epekto siguro ng anaesthesia). Pero hindi talaga ako natulog hanggat di ko naririnig baby ko. Exactly 2:00pm, narinig ko na yung first cry nya. Then after ilang minutes lang, nilapit na sa akin si Bela para sa aming first picture. Ngiting ngiti nga ako sa picture namin na yun. Sabi ng mommy ko parang di daw ako nanganak. Sayang nga wala si Howell don kse di allowed sa CGH na isama ang husband sa loob ng OR. Good thing na video naman ng nurse yung pagkuha kay Bela sa tyan ko pati yung first cry hanggang dalhin sya sa nursery. Past 3 na natapos yung operation ko and around 7 pm na ako nadala sa room ko from the recovery room.

Giving birth to Bela is one of the most amazing experience I have. Truly, Ysabela is the greatest gift that Howell and I ever received. We're both so thankful to God for giving us, our little princess Ysabela....

You can check some of Ysabela's picture by clicking the link below:
~~~~~
YSABELA MARGRETTE'S BIRTH STATISTICS
BIRTH DATE: Nov 16, 2005
Time: 2:00 PM
Hospital: Chinese General Hospital
OB: Dr. Teresita Dy-Uy
Pediatrician: Dr. Marilyn Sebastian
Weight: 2.777 Kilos (6 lbs)
Length: 49 cm
Head Circumference: 32 cm
Chest Circumference: 32 cm
~~~~~
I received a number of emails & text messages and read the messages that each of you left for me on my message board. Pasensya na at ngayon lang ako naka reply. Howell & I are very thankful to everbody who visited us at the hospital and sa house and for all your prayers, to all our friends from n@w & w@w (di ko na kayo iisa isahin at baka may ma miss pa ako), our high school & college friends, our officemates, and to our relatives who has always been there for us, THANK YOU VERY VERY MUCH.

7 Comments


teka, ibig sabihin you didn't have to go through that labor thing? yung contractions & all that?

anyways, cute ng dimples ni bela. care of tatay howell! hehehe!

alam mo yung green dress ni bela nung xmas, meron din akong ganong dress! hahahaha! ang cute sobra ni bela, na-aaliw ako!


yup, di na ako nag labor....binyak na agad yung tyan ko kse nauubos na yung amnitoc fluid ko eh. in a way, swerte din kse di na ako nahirapan.

pinag pray ko nga na sana magka dimples si bela eh. namana nga sa tatay nya.

pareho pa pala kayo ng dress ni bela. dami na nga damit nyan eh. sarap kse ipamilipag girl, ang sarap landiin...hehehe..


Congrats Abie! Cute cute ni baby Bela.

Welcome to the wonderful world of motherhood.


hi abie! too bad hindi na tayo nagkita nung december. may bibigay pa naman sana ako for baby bela. anyway, sana sa april we get to meet na. worried nga ako kasi holy week yon baka wala lahat ng tao sa manila. will let you know na lang. regard to howell! and kisses to bela! - jenn


hi abie!

cute ni baby bela! sino pala kamukha nya, lagi nakapikit eh. saw her pics at your webshots, grabe! everybody happy talaga!

congratulations!

velvet


hi abie,congratulations!bela is so cute...=)

Anonymous says:

hi abie, found ur site thru jenn's blog...got excited when i learned u just had a baby at naaliw lang ako sa scrapbook ni bela...cause i myself am expecting a baby soon...will link u up ha, would love to read more mommy stories kasi..take care :)

Copyright © 2009 howell & abie All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.