0
wedding updates - 1 month to go
Posted by abie
on
8:29 AM
ang tagal ko ng hindi nakapag blog. naging busy kse kami ni howell masyado this past few weeks. na-realize ko nga mahirap pala magpakasal ng december or january. hindi kse kami gaanong nakapag asikaso ng wedding preps namin noong holiday season kse we have to do some xmas shopping din tapos ang dami pa naming xmas party na ina-attendan.
paggising ko kanina, na realize ko bigla na exactly 1 month to go na lang before our big day. bigla ako kinabahan instead na ma excite. feeling ko kse madami pa kaming kailangang gawin. pero nag promise ako sa sarili ko, 1 week before the wedding, i should learn to le go na. whatever it is na hindi namin matapos, ok na yun and i would not bother worrying about it. feeling ko kse sobrang stress out na ang itsura ko kakaisip sa wedding namin. :-)
anyway, here are our wedding updates:
DEC 11
howell, me and my cousins went to glorietta to look for my wedding shoes. halos nalibot na namin lahat ng shoe store sa sm and glorietta and i still can't find the rigth shoes for me. maraming magandang design pero puro 3 inches ang heels nya. ayoko kse ng masyadong mataas kse gusto ko yung comfortable ako and magka heigth lang kse kami ni howell, so if i'll be wearing a 3-inch na shoes, magmumuka akong matangkad sa kanya.
then we went inside otto shoes and i was really happy kse may nagustuhan ako don na white shoes and 1 inch lang sya. plus i really love the design. simple lang sya and i can still wear it after the wedding.
DEC 15 - W@W XMAS PARTY
i waited for howell dito sa office kse sunduin na lang daw nya ako and sa mandaluyong na lang daw kami magdadaan papuntang gazebo royale. sobrang traffic noong araw na yun. we left makati around 5:45 and 7:45 na, wala pa din kami sa gazebo royale. so itexted joanna ni rey and millett ni jojo para itanong kung aabot pa ba kami. sabi nila wala pa ding gaanong tao (kse nga malamang na traffic din dahil sa wake ni fpj sa sto. domingo) kaya halos ka start pa lang ng program. so sabi ko i-reserve na lang nila kami ng seats sa table nila.
we arrived at gazebo royale around 8 pm na siguro and saktong sakto kse dinner time na. niloko nga kami ni mang jun of batis. sabi nya galing daw ng timing namin. :-)
kasama namin sa table si joanna and rey, milett ni jojo, cynch, ivy & gail and the other milette. we also get to chat with abie ni rey, clarice & bernard and si jen. we even stayed a little longer after the party kse nagkwentuhan pa kami nila jen, milette and millett. nag enjoy talaga kami ni howell nung w@w xmas party.
DEC 26
finally natapos na namin ang printing ng mga invitations namin. kaya lang kailangan pa namin i-assemble yung invites kse medyo kakaiba yung invites namin. so we spend the whole day noong dec 26 para mag assemble. we had fun doing it coz the whole family is helping us. pati nga daddy ko nakisama sa pag assemble ng invites namin.
we are really happy coz na-appreciate talaga ng mga nakakita yung invitatiosn namin. ang ganda daw and it is really unique. syempre, proud na proud si howell kse sya lahat nag conceptualize, at nag design nun. kaya kahit medyo matagal gawin, happyng happy kami. sabi nga nga mga friends ko labor of love daw talaga.
we left the house around 8 pm kse nag aya ng dinner yung mga friends ni howell from high school. so tamang tama kse pinamigay na din namin mga invitations namin sa kanila para we don't have to visit them one by one to give them their invites.
DEC 27
sa bahay na natulog si howell kse 3 am na kami nakauwi from their get together. nagulat ako kse late na ako nagising and paglabas ko ng room ko, gising na si howell ang nag a-assemble na naman sila ng daddy ko ng mga invitations namin...hehehehe...we spend the whole day ulit para sa pag assemble ng invites and syempre kasali ulit buong pamilya ko pati mga pinsan ko.
then umalis ulit kami noong gabi kse xmas party naman ng mga high school friend ko. so we took the opportunity ulit para mamnigay ng mga invitations. sobarng na appreciate talaga nila yung invitations namin. ang ganda ganda daw kaya kahit pagod na pagod kami ni howell sa pag gawa ng invitations namin, nawala talaga lahat ng pagod namin after hearing all their praises about our invitations.
DEC 28
maaga ako nagising kse pupunta ako sa MC to submit all our requirements. then i also asked for a copy of the misallette. meron daw silang soft copy pero i have to pay 50 pesos. it is in MS Word and Adobe Pagemaker format. So ok na din kse hindi ko na kailangang mag type. We just have to insert our names na lang.
i also got a call from dream cars, yung pag rentan ng bridal car namin. sabi ni heart, nasira daw yung studebaker na i-rent namin noong ginamit noong dec 22 wedding nila. and since ini-import pa nila yung parts noon abroad, di daw sila sure kung aabot sa jan 29 wedding namin so they are offering us yung stretched limo nila. i talked to howell about it and sabi ni howell i-refund na lang daw namin yung 50% DP namin. taps mag rent na lang kami ng ordinary white car & yung horse drawn carriage. eto kse yung original plan namin bago namin nakita yung promo ng dream cars noong bridal fair sa WTC. so sabi ko tatawagan ko na lang yung dream cars to ask them kung ma refund pa yung DP namin.
then noong hapon, pumunta kami sa mananahi ng gown ng mga flower girl para makita kung ano na progress nila. and medyo nagulat kami kse isa pa lang natatahi nila. pero sinabi namin na 2nd week of january kasal ko (inadjust namin ng kaunti yung date para hindi kami magahol sa oras) and sabi nila, kaya naman daw nila tapusin yun.
we also went to anding's to buy confetti poppers. we bougth 6 and happy ako kse may 20% discount pala tita ko sa anding's kaya medyo malaki din natipid namin.