3
happy mother's day
Posted by abie
on
9:01 AM
it's mother's day today and guess what, andito ako sa office for overtime. sayang din kse, double pay ngayon kaya pumasok na din ako. :) and since mag work nga ako today, kaya kahapon pa lang binigay na sa akin ni howell yung gift nya sa akin for mother's day:
ginawa nya ako ng painting. friday kse late na daw sya makakauwi kse mag OT sila so sabi nya doon na lang ako sa mga mommy ko matulog kse wala ako kasama sa bahay namin kung late na sya makauwi. so pumayag na ako kse miss ko na din naman yung room ko (pati yung aircon ko. :) wala pa kse kaming aircon sa house namin kaya sobrang init.)
saturday morning, 6 am pa lang daw gising na sya para gawin yung painting na gift nya sa akin. natapos daw sya around 10 am. so rigth after nyang matapos yung painting, pumunta na sya sa house ng parents ko para sabihin na may gift sya sa akin. pagkakain namin ng lunch, umuwi na kami sa bahay para makita ko na yung gift nya.
una di ko na gets, kse abstract sya...hehehe... then inexplain na nya sa akin (kse di ko pa din ma gets...hehehe)....tinitignan ko kse sya horizontally...eh dapat pala vertically ko sya tignan, kaya di ko pala magets...hehehe...ako daw yung pregnant woman na naka violet (since violet ang favorite color ko) and hawak hawak ko daw yung tummy ko. and syempre, andun ako sa favorite place ko sa bahay namin: sa sala namin in front of my big tv...hehehehe..
i'm so happy nga eh kse he even took time para gawin yun to make my first mother's day memorable. hay, sarap talaga maging mrs. laguerta :)
so noong may 8, hinatid lang ako ni howell sa office. we worked the whole day and sinundo na lang nya ako noong hapon. we've been craving for the hot chick bread ng bread talk for days na kaya sabi ko daan muna kami sa bread talk bago kami umuwi. then may nakita din akong mga miniature cakes don and i bougth 4 as our gift sa lola ko, 2 kong tita and sa mom ko.
it was really one memorable mother's day for me. thank you howell, for making it really special. i love you.