0

shower - bday party

Posted by abie on 4:00 PM
Image hosted by Photobucket.com

january 14, 2005

around 12:00 pm bago mag uwian, my best freind sa office (si dennis) called me and sinabi na nanganak daw yung labrador nya and yun na lang ang gift nya sa amin ni howell for our wedding. but i have to go to their house that day din to pick up the puppy kse the next day daw darating na yun buyer nila.

so i was really happy kse matagal ko na syang hinihingan ng labrador. gusto kse namin ni howell na mag alaga ng dog. so i immediately call howell para sabihin yung news and nagpaalam na din ako na pupunta nga ako sa house nila dennis to get the puppy.

may overtime kami that day kaya sabi ko kay dennis mauna na sya and mag meet na lang kami sa glo around 3 pm. Past 3 na ako nakaalis sa office kaya mga 3:30 na ako. nagtataka ako kse normally pag na le-late ako galit na galit na sa akin yung best friend ko. pero that time, sobrang naka ngiti pa sya noong nakita nya ako. tapos sabi ko masakit ulo ko. nagulat na naman ako kse sya pa nag pumilit na samahana ko sa mercury drug para bumili ng gamot. basta kung saan saan nya muna ako inikot sa glo. inaya ko sya kumain, ayaw daw nya. so nagulat na naman ako eh mdali magutom yung best friend ko na yun eh. pero wala talaga akong idea na he's up to something. basta alam ko excited ako sa labrador ko.

so after nya akong i-ikot muna sa glo, inaya na nya kami sa kanila. mga 5:30 na nun kaya medyo rush hour na. pero mabilis lang naman kami nakasakay ng bus pa punta sa kanila.

pagdating namin sa kanila, ayaw pa nya ako paakyatin. intayin ko na lang daw sya sa baba at i-aakyat lang nya yung bag para diretso na kami sa house ng sister nya to get the puppy. pero sabi ko mamaya na namin kunin kaya dire-diresto ako sa taas nila. and nagulat ako, nandun lahat ng buong barkada namin. with matching banner pa. surprise bday at shower party nila sa sakin kse jan 19 ang bday ko. plus andun pa si h2b ko.

i was really happy kse first time ever na may nag pa surpirse party for me. matagal na pala nila binabalak yun. pati si howell ka kuntsaba nila. they decorated the pad of dennis. they even have a centerpiece. cute nga eh, very artistic. below is the picture of their centerpiece:

Image hosted by Photobucket.com

we really had a great time. we played charades, had some tecquilla, a sumptuous dinner, & lots of gifts na magagamit namin for our honeymoon. :-) kaya kahit may malaki akong pimple several days before the wedding, happyng happy pa din ako....:-)

eto pala yung picture ng buong barkada noong mga lasing na kami:

Image hosted by Photobucket.com

0

final meeting with suppliers

Posted by abie on 10:00 PM
i asked my coordinator if she can help me set up a final meeting with our suppliers. sabi nya ang dapat na nandun is yung caterer, event stylist, and yung sound syndrome. i told may-ann (our coordinator), na i already asked the suppliers and they are all free ng tuesday ng afternoon.

sabi ni may-ann, baka daw di pwede yung ibang suppliers ng weekday. sabi ko nakausap ko na sila and free naman daw sila. sabi nya bday daw nya kse sa tuesday. kaya sabi ko pwede namin i-reset ng wednesday kse kawawa naman sya kung bday nya tapos mag work sya. pero may wedding sya sa wednesday kaya sabi nya ok na sa kanya yung tuesday afternoon meeting.

we set the meeting at 5:30 pm sa baluarte de san diego para mas madali makapag usap ng final setup yung caterer and yung event stylist ko. syempre medyo late na ako nakaalis sa office kse may tinapos pa ako. around 5, most of my supliers are all texting me and andun na nga sila lahat sa baluarte. nakakahiya nga kse kami pa na late.

buti efficient si may-ann and nagsimula na sila mag usap kahit wala pa kami. so pagdating namin, we just need to give them our additional inputs and i-approve na lang namin kung ano napag usapan nila.

my cousin, pido, who is our event stylist gave us and all the suppliers yung final lay out sa reception and we love the lay out and yung design na sinabi nya. nag finalize na din kami ng menu sa batis asul but we have to inform them until jan 19 yung final head count ng guest namin.

we are also happy din with elfren of soud syndrome. nag request kse yung event stylist ko na mag dagdag ng 4 pang par ligths and he gave that to us for free. talagang totoo yung sabi sa w@w na sobrang daling kausap ni elfren.

after our meeting sa baluarte, inaya namin sila mag dinner sa pier one sa may buendia. parang bodning time na din with our suppliers. syempre we have to take care of them para talagang they will take good care of our wedding din. too bad, may-ann can't make it kse nga may bday party pa sya and elfren also kse may event pa sila sa coconut palace. it was a fun evening kse mega kwentuhan lang kaming lahat at biruan.

we're really happy with all our suppliers kaya we're confident that they can deliver well sa wedding namin. :-)


1

our invitation & souvenir

Posted by abie on 3:58 PM
we're almost done distributing our invites kaya i was able to find a time na to update our blogs.

just want to share with you our invitation. it was designed by my h2b and my whole family and howell's family helped in assembling it.

sobrang tagal pinag isipan ni howell yung design ng invitations namin. sobrang dami nya kseng idea. yung mga nauna nyang design, sobrang hirap kse gusto nyang gumawa ng 3D ng minas tirith (yung castle ni aragorn sa LOTR kung saan sila kinasal). sabi ko 200 na ganun ang gagawin namin and sabi ko sa kanya hindi namin kaya yun.

tapos one day noong nasa mall kami, may nakita kami sa isang computer shop na isang promo material ng hp printer and yun ang ginaya ni howell.

so eto yung front & back ng invitation namin:

Image hosted by Photobucket.com

The back side acts as an envelope and dito namin ilagay yung mga inserts namin. Here is how our inserts look like:

Image hosted by Photobucket.com


you can browse our webshots for more pictures of our invitation.

as for our souvenir, si howell pa din ang nag design. mahilig kse syang mag collect ng mga coins sa iba't ibang country na napuntahan namin. tapos, may nakita syang souvenir coins na tinitinda sa souvenir shop sa office nila and yun ang ginaya nya.

my uncle has an officemate na ganun ang businesss so doon namin pinagawa. we submitted our final design, and after i think 2 weeks nagbigay sila sa amin ng sample. wala kami sa philippines during that time kaya hindi na namin nakita yung sample nila. yung uncle ko na lang ang nag check.

here's the front side of our souvenir. the front part bears the image of manila cathedral plus our name and the date of our weddding.

Image hosted by Photobucket.com

and here is the back part. the back part naman bears the image of baluarte de san diego with our name and date of our wedding din.

Image hosted by Photobucket.com

since wala nga kami sa philippines noon nagbigay ng sample yung supplier, merong maliit na error yung back part. yung name ko instead na abigail, naging abegail. medyo nainis ako noong una ko tong nakita. naiyak pa nga ako sa inis eh. and i even wanted to look for another supplier and magpapagawa ulit kami ng 200 na coins. pero syempre naisip ko din sayang yung money and na convince naman ako ng mga mommy ko, tita and pinsan ko na ok na yun since maganda naman and hindi na yun ma notice ng mga tao, kaya i decided to let go na lang.

in fairness, maganda yung pagkakagawa ng supplier ng coins. nakuha talaga nila yung image ng manila cathedral and baluarte.


1

22 days to go before our big day

Posted by abie on 4:29 PM
we are almost done distributing our invites. after ilang araw ng pagpupuyat and almost every day gabi na kami umuuwi ni howell coz after office pinupuntahan namin yung iba naming guest to give them their invites. sobrang thankful nga namin kse very supportive yung both families namin. they volunteered to help us distribute our invitations. siguro sobrang excited din nila for us...:-) lalo na siguro yung mom and dad ko. since i'm the eldest, ako yung unang ikakasal sa amin kaya sobrang excited talaga ng parents ko.

natapos na din ng uncle ko yung yung caricature namin ni howell (with a LOTR theme) which we will be using for our signature frame and our guest sheets. eto yung scanned version ng caricature namin:


Image hosted by Photobucket.com

since we will be having 300 guests we decided to have a signature frame for our principal sponsors and guest sheets for each individual table. kung signature frame lang kse baka hindi kasya lahat ng messages sa amin ng 300 guests namin.

i'm so happy with how our preps are turning out. hopefully we will finish all the things that we need to do atleast 1 week before the wedding so we still have time to rest and relax para naman hindi kami mukhang harass pareho sa wedding namin.

1

my 2nd fitting, etc., etc.

Posted by abie on 7:14 PM
holiday ko ngayon from work so medy0 madami ako naka schedule of things to do.

noong umaga, we went to farley de castro sa malabon para i-check yung mga sample ng works nya. hindi na kse kaya ni cecile gawin yung gown ng 2 kong tita na ninang so we have to look for another designer. syempre sa w@w ko din nakilala si farley.

so we went there and since less than a month na lang before the wedding, ok naman sya kausap and and ok naman ang feedback sa kanya sa w@w, nag decide na din kami agad na sa kanya na ipatahi yung gown ng mga tita ko pati yung sa lola ko and sa sister and sa sister in law ni howell. ang kasama lang namin that time is yung isang kong tita so we told farley na babalik na lang kami don the next day para masukatan na din yung iba.

after kay farley we went home to have lunch then we went to cecile abad's shop coz it is my 2nd fitting and my mom's. actually bad trip ako noong araw na yun coz may problema with my moh and his bf (imagine 26 days before the wedding and bigla nagkaroon ng major problem). pero after seeing my gown, sobrang nawala talaga yung bad trip ko. i just so love my gown. akala ko nga simple beadworks lang ang gawin ni cecile, pero i was really happy coz that's the way i want it to be: dainty & simple yet elegant.

here's a picture of my gown:

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

galit na galit nga yung daddy ko sa akin kse bakit ko daw sinukat. mapamahiin kse yun eh. :-)tapos ang tagal ko pa sya suot kse lakad ako ng lakad sa shop ni cecile. nag pra-practice na ako maglakad wearing the gown plus syempre nagpapicture pa ako. :-)


basta, happy talaga ako sa gown ko. although di pa sya gaanong tapos kse wala pa yung train. sabi ni cecile, i can see the whole thing daw next week kaya sobrang excited na ako.


after kay cecile, we went to divisoria to buy the butterfly wings for our flower girls. nagpunta kami doon sa nirecommend ng tumahi ng gown ng flower girls namin pero medyo mahal yung wings nila tapos di pa masyadong maganda.


i remember when we went to divisoria mall, may nakita akong isang stand sa labas na mga ganon ang tinda. so inaya ko don yung pinsan ko. luckily, wala ng gaanong tao sa divisoria kse tapos na ang xmas at new year kaya madali lang namin nakita yung stand kaya we were able to buy the wings for our flower girls.

Copyright © 2009 howell & abie All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.