1

my 2nd fitting, etc., etc.

Posted by abie on 7:14 PM
holiday ko ngayon from work so medy0 madami ako naka schedule of things to do.

noong umaga, we went to farley de castro sa malabon para i-check yung mga sample ng works nya. hindi na kse kaya ni cecile gawin yung gown ng 2 kong tita na ninang so we have to look for another designer. syempre sa w@w ko din nakilala si farley.

so we went there and since less than a month na lang before the wedding, ok naman sya kausap and and ok naman ang feedback sa kanya sa w@w, nag decide na din kami agad na sa kanya na ipatahi yung gown ng mga tita ko pati yung sa lola ko and sa sister and sa sister in law ni howell. ang kasama lang namin that time is yung isang kong tita so we told farley na babalik na lang kami don the next day para masukatan na din yung iba.

after kay farley we went home to have lunch then we went to cecile abad's shop coz it is my 2nd fitting and my mom's. actually bad trip ako noong araw na yun coz may problema with my moh and his bf (imagine 26 days before the wedding and bigla nagkaroon ng major problem). pero after seeing my gown, sobrang nawala talaga yung bad trip ko. i just so love my gown. akala ko nga simple beadworks lang ang gawin ni cecile, pero i was really happy coz that's the way i want it to be: dainty & simple yet elegant.

here's a picture of my gown:

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

galit na galit nga yung daddy ko sa akin kse bakit ko daw sinukat. mapamahiin kse yun eh. :-)tapos ang tagal ko pa sya suot kse lakad ako ng lakad sa shop ni cecile. nag pra-practice na ako maglakad wearing the gown plus syempre nagpapicture pa ako. :-)


basta, happy talaga ako sa gown ko. although di pa sya gaanong tapos kse wala pa yung train. sabi ni cecile, i can see the whole thing daw next week kaya sobrang excited na ako.


after kay cecile, we went to divisoria to buy the butterfly wings for our flower girls. nagpunta kami doon sa nirecommend ng tumahi ng gown ng flower girls namin pero medyo mahal yung wings nila tapos di pa masyadong maganda.


i remember when we went to divisoria mall, may nakita akong isang stand sa labas na mga ganon ang tinda. so inaya ko don yung pinsan ko. luckily, wala ng gaanong tao sa divisoria kse tapos na ang xmas at new year kaya madali lang namin nakita yung stand kaya we were able to buy the wings for our flower girls.

1 Comments


hi. i would like to ask where in divisoria did you find those butterfly wings? i would like to buy some for the debut of my cousin. thanks.

Copyright © 2009 howell & abie All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.