4

baby names...

Posted by abie on 10:26 AM
howell woke up early today. nagising na din ako kse nga kinakausap na naman nya yung baby namin kaya di na din ako makatulog. :) kaya naisipan kong i-browse na lang yung book na pinahiram sa akin ng office mate ko ng mga baby names.

ang daming magagandang names. eto yung list ng mga napili naming names with their meaning:

Agatha-good,kind
Aisha/Iesha-life
Alissa-truthful
Alyssa-rational
Breana/Briana/Bryanna-strong,virtous,honorable
Catherine-pure
Isabel-consecrated to God
Eliana-my God has answered me
Elisha-consecrated to God
Elysia-sweetly blissful
Elyssa-consecrated to God
Juliana-youthful
Kaela-beloved sweetheart
Kyla-attractive
Leona-brave as a lioness
Lynelle-pretty
Margaret/Maergrethe-pearl
Melisande-honey bee
Nekeisha/Nakeisha-life
Sophia-wise

Si Howell gusto nya may Sophia or Isabel sa name ng baby namin. I combined yung mga names na napili namin and eto yung nabuo naming mga names:

1. Maergrethe Aisha
2. Sophia Bryanna
3. Sophia Aisha
4. Sophia Maergrethe
5. Sophia Ysabelle
6. Bryanna Elisha

Hindi pa din kami makapag decide kung anong magandang name ang ibibigay namin sa baby namin. Syempre first baby kaya we really wanted it to be special. Ngayon ang tawag nila sa baby namin is Sophia. Yung 6 years old kse na cousin ko kse, noong sinabi namin sa kanila na pregnant ako, binigyan nya agad ng name yung baby namin kahit di pa namin alam kung boy or girl. She named our baby Sophia Kyla. Ewan ko nga sa bata na yun bat yun ang naisip nyang name. Kaya yun muna ang ginagamit nilang name ng baby namin.

0

is it a boy or a girl?

Posted by abie on 2:37 PM
today is my monthly checkup and magpapa ultra sound na din kami for the gender of the baby...

ilang days din akong di makatulog sa sobrang excitement kse i really wanted to know yung gender ng baby namin. syempre, all we're praying is maging healthy at normal ang baby namin. it doesn't matter kung girl or boy. pero syempre, kung papipiliin mo ako talaga, mas gusto ko na girl for our first baby.

so maaga kami nagising. sabi kse ng OB ko, magpa ultra sound muna kami para dala na namin yung result ng Ultra Sound pag chineck up nya ako. So we headed straigth sa 3/F para magpa ultra sound.

Sabi ng doctor, yung isang kamay daw nya nakaipit sa pagitin ng legs nya. Si Howell nga nag worry kse baka nahihirapan yung baby. Pero ok lang naman daw yun. Kaya nga lang hindi makita agad ng doctor kung girl o boy kse nga natatakpan ng kamay nya. So pinaiba ako ng position ng doctor tapos parang may vibrator syang ginamit para mag move yung baby. Tapos nakita namin, yung isang hands nya, nilagay nya sa pisngi nya. Parang nag papa cute sa amin tapos sabay naghikab. Tapos pinakita nga din ng doctor na galaw ng galaw yung feet nya.

After kong mag change ng position, the doctor had a better view ng gender ng baby namin...and it's a GIRL.........I was so happy talaga. We we're both so happy. Akala ko nga noong una, ang gusto ni Howell is boy. Syempre, alam mo naman mga lalaki. Pero sobrang happy din nya. Tatay na tatay na nga sya kung mag salita.Tapos panay ang himas nya sa tyan ko and lagi nya kinakausap baby namin. Ang sarap talaga ng feeling.

Ngayon daw is nauuna pa yung feet nya sa cervix ko (front breech). Pero sabi naman ng OB ko no need to worry daw kse it is still to early kaya mag babago pa talaga sya ng position.

We're planning to have the 4D ultra sound by October. Nakakainis kse yung print out na binigay sa amin ng nag ultra sound sa amin eh. Di man lang kinuhaan yung face ng baby. Ang binigay lang nya na print out is yung parang top view ng head ng baby. Di kagaya noong last na nag ultra sound sa amin, tinanong pa kami kung anong mga shots ang gusto namin kaya ang dami naming print out. Medyo masungit kse yung nag ultra sound sa amin last saturday kse medyo matanda na.

Pero sabi ng iba kong nakausap, di daw worth it yung 4D. Kahit yung OB ko yun din ang sabi. Kse daw ang kinukuhaan lang daw ng 4D is yung face. The rest daw, malabo ang image. Mas malinaw pa daw yung 2D. Pero bahala na. October pa naman namin balak mag pa 4D eh. Ang sarap lang kse ng feeling na nakikita namin yung baby namin - how she moves, how she reacts, how she laughs kahit nasa tyan ko pa lang sya.

0

picture picture

Posted by abie on 4:03 PM
some pictures that we took while we are playing with our camera....

Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
my favorite cousins (aliah & jego)

Image hosted by Photobucket.com
jegong kulit
and syempre, magpapahuli ba si sassy namin....

Image hosted by Photobucket.com
tatay & sassy

Image hosted by Photobucket.com
sassy @ 6 months

ang payat nga ni sassy ngayon eh. nagkasakit kse sysa mula noong thursday. naawa nga kami kse wala talaga syang ganang kumain. may nakain daw siguro sabi ng vet nya kaya suka sya ng suka and nilalagnat sya. pero ok na sya ngayon. Wala na syang fever and super kulit at takaw na naman. Sana nga tumaba na sya ulit eh.

pero sobrang nag aalala talaga ako noong tumawag sa akin mommy ko para nga sabihin na may sakit si sassy. gustong gusto ko na ngang umuwi from work non sa sobrang pag aalala ko sa kanya. naalala ko tuloy yung sabi ng cousin ko sa akin. si sassy daw ang naging preparation namin sa pag alaga namin sa magiging baby namin. sabi ko nga, kung sa aso lang sobrang worried na ako, what more pa kaya sa magiging baby namin.

3

nakalunok ako ng pakwan.....

Posted by abie on 10:29 AM
can't believe na ganon na pala kalaki tyan ko....

last friday, we celebrated canada day 2005. our ambassador hosted a party for all the employees and all our contacts at the shangri-la hotel. first time kong umattend, kse last year i was too busy with our wedding preps kaya i was not able to attend the party.

we took several pictures and my gosh, ganon na pala kalaki tyan ko...hehehehe

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

actually, ayaw nga yan pasuot sa akin ng mom & dad ko. para daw kse akong suman at ang laki laki ng tyan ko. sabi ko buntis naman ako kaya ok lang na malaki tyan ko. ewan ko ba, type na type ko yung dress kaya pinagpilitan ko talaga. :) hindi nga yan ang suot ko on the way to shangri-la. binaon ko lang sya, just in case maisipan kong magpalit. medyo maaga kami dumating sa hotel coz i still have to help with the technical setup ng laptop & lcd projector for the presentation before the program kaya after the set up i still have time to change in case. i showed the dress to my officemates and na convince nila ako na yun na lang ang suot ko. kaya ayan, kahit malaking malaki na tyan ko, pinilit ko pa din mag tube...hehehe...

below are some more pictures taken during the reception....

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com
with my girl friends
Image hosted by Photobucket.com
with the RCMP (who flew in from canada just for the event)

Copyright © 2009 howell & abie All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.