0
is it a boy or a girl?
Posted by abie
on
2:37 PM
today is my monthly checkup and magpapa ultra sound na din kami for the gender of the baby...
ilang days din akong di makatulog sa sobrang excitement kse i really wanted to know yung gender ng baby namin. syempre, all we're praying is maging healthy at normal ang baby namin. it doesn't matter kung girl or boy. pero syempre, kung papipiliin mo ako talaga, mas gusto ko na girl for our first baby.
so maaga kami nagising. sabi kse ng OB ko, magpa ultra sound muna kami para dala na namin yung result ng Ultra Sound pag chineck up nya ako. So we headed straigth sa 3/F para magpa ultra sound.
Sabi ng doctor, yung isang kamay daw nya nakaipit sa pagitin ng legs nya. Si Howell nga nag worry kse baka nahihirapan yung baby. Pero ok lang naman daw yun. Kaya nga lang hindi makita agad ng doctor kung girl o boy kse nga natatakpan ng kamay nya. So pinaiba ako ng position ng doctor tapos parang may vibrator syang ginamit para mag move yung baby. Tapos nakita namin, yung isang hands nya, nilagay nya sa pisngi nya. Parang nag papa cute sa amin tapos sabay naghikab. Tapos pinakita nga din ng doctor na galaw ng galaw yung feet nya.
After kong mag change ng position, the doctor had a better view ng gender ng baby namin...and it's a GIRL.........I was so happy talaga. We we're both so happy. Akala ko nga noong una, ang gusto ni Howell is boy. Syempre, alam mo naman mga lalaki. Pero sobrang happy din nya. Tatay na tatay na nga sya kung mag salita.Tapos panay ang himas nya sa tyan ko and lagi nya kinakausap baby namin. Ang sarap talaga ng feeling.
Ngayon daw is nauuna pa yung feet nya sa cervix ko (front breech). Pero sabi naman ng OB ko no need to worry daw kse it is still to early kaya mag babago pa talaga sya ng position.
We're planning to have the 4D ultra sound by October. Nakakainis kse yung print out na binigay sa amin ng nag ultra sound sa amin eh. Di man lang kinuhaan yung face ng baby. Ang binigay lang nya na print out is yung parang top view ng head ng baby. Di kagaya noong last na nag ultra sound sa amin, tinanong pa kami kung anong mga shots ang gusto namin kaya ang dami naming print out. Medyo masungit kse yung nag ultra sound sa amin last saturday kse medyo matanda na.
Pero sabi ng iba kong nakausap, di daw worth it yung 4D. Kahit yung OB ko yun din ang sabi. Kse daw ang kinukuhaan lang daw ng 4D is yung face. The rest daw, malabo ang image. Mas malinaw pa daw yung 2D. Pero bahala na. October pa naman namin balak mag pa 4D eh. Ang sarap lang kse ng feeling na nakikita namin yung baby namin - how she moves, how she reacts, how she laughs kahit nasa tyan ko pa lang sya.