8

my hubby's new toy

Posted by abie on 3:06 PM
howell and i were finally able to buy our own car. second-hand nga lang sya. ayaw naman kse namin talaga bumili ng brand new kse nag de-depreciate ang value ng car kaya sobrang happy na kami sa nabili namin.

we've been planning and wanting to buy a car for ages na pero sabi ko nga kay howell pag isipan muna talaga naming mabuti if we really can afford it. so after several several talks about our budget, na convince din nya ako na bumili na kami. sabi nga nya, kailangan daw talaga namin ng sariling sasakyan specially ngayon na malapit na kami mag ka baby. para daw hindi kami mahirapan mag commute. and mas makakatipid pa nga daw kami kse madalas talaga na nag ta-taxi kami.

ang gagamitin naming pambili ng car is yung sobrang pera na makukuha namin sa ni-loan namin sa BPI. nag housing loan kse kami sa BPI para bilhin yung house & lot ng lola ko sa Bulacan. Since mababa interest ngayon ng housing loan, sabi ni howell dagdagan na daw namin yung loan namin para makabili na din daw kami ng sasakyan since maliit lang naman ang madagdag sa monthly amortization pag inincreasan namin yung loan namin to purchase a car. so na-approve naman yung increase sa loan amount namin. pero hindi pa ma re-release yung cheque hangat hindi pa na tra-transfer yung title ng house & lot sa pangalan namin. eh susme pala, sobrang 45 years ang pag asikaso ng transfer ng title. buti na lang pinagtyagaan ng mom & dad ko na magpabalik balik sa bulacan para maayos yung title. imagine, umabot ng almost 5 months ang pag asikaso ng transfer ng title. ang hirap pa sa mga gov't agencies natin, kailangan ka pang magbigay ng lagay para umandar yung papel mo. pag di ka nagbigay ng lagay, aabutin ka pa ng another 45 years para ma process papers nyo. talking about corruption talaga. so finally after almost 5 months, na transfer na din sa amin yung title. so pinasa na namin sa BPI lahat ng required documents and sabi within 2-3 weeks ma release na cheque namin.

so we started looking for cars na sa car finder, sa buy n' sell and we started visiting yung mga shops na nag titinda ng second hand car. and may nagustuhan kami, yung toyota previa. sobrang ganda nya and halatang alagang alaga ng previous owner yung car. kasama namin brother ko (na marunong talaga pagdating sa mga sasakyan) and yung mom ko. gusto na nga mag bigay ng DP ni howell pero sabi ko wag muna. gusto ko kse ma release muna yung cheque from BPI bago kami mag bigay ng down. pag nagbigay ka kse ng DP, ireserve lang nila yung car sayo ng mga 1-2 weeks tapos kailangan i-full payment mo na. pag di ka nakapag bigay ng full payment, parang ma forfeit na yung DP mo. buti na lang hindi pa nga kami nagbigay ng DP kse may hinanap na naman na papers ang BPI na kailangang kunin sa Register of Deeds sa Bulacan kaya na delay na naman ng mga 2 weeks yung release ng cheque namin. sobrang nalungkot nga si howell coz he's really set on buying it. pero sabi ko nga, pag na release ang cheque at nabenta na yung previa, ibig sabihin hindi talaga para sa amin yun.

last week i called BPI and finally, ma release na daw yung cheque namin ng Friday (Aug 26) afternoon. sobrang excited namin ni howell kaya noong saturday na yun, nag ikot na ulit kami sa mga car shops. too bad, nabenta na yung previa na gusto namin. ang dami naming naikot na shops pero wala pa ring magustuhan si howell. kse nga naka set na yung mind nya sa previa. meron syang na tipuhan ng kaunti, yung mitsubishi space wagon tsaka yung opel vectra pero ayaw pa nya magbigay ng DP kse hoping pa din sya na makakita ng toyota previa. sabi ng isang dealer bihira lang daw talaga yung toyota previa na local (yung karamihan kse ng tinda ngayon is yung mga previa na converted. yung mga galing japan. mga rhd dati na kinonvert to lhd). ayaw naman namin ng converted kse nga kahit mas mura, mabigat daw sa maintenance yun.

so sabi namin mag ikot pa ulit kami the next day. pero since OT si howell ng sunday, ako lang, brother ko at yung dad ko ang nag ikot and may kasama kami na mekaniko. ang dami na din naming naikot pero wala pa din kaming makita ng gusto namin. yung last na shop na pinuntahan namin, yung wheels to go along edsa. and doon namin nakita yung sportage na binebenta nila. syempre ako wala naman akong alam sa kotse. kaya yung dad ko at yung brother ko ang nag usisa. tinest drive nila and chineck ng mekaniko lahat. and ok naman daw. so i took pictures of it and i send it via mms kay howell. aba noong tinawagan ko si howell, hindi pa nya nakikita sa personal eh pinag bibigay na ako ng DP. ang ganda kse ng porma. 4wd sya na suv. so sabi ko kay howell, punta na lang sya don para makita nya tutal naman lunch break na nila. so after ilang minutes lang, andun na sya sa wheels to go (imagine galing pa sya ng roxas blvd. pero ang bilis nya nakarating sa edsa sa sobrang excitement nya). and sobrang type na type nga nya talaga. tinest drive nila ulit and ayun decided na sya na yun ang bilin namin. so nagbigay na kami ng DP and chineck ulit nila ng brother ko yung car para sa mga gusto naming ipagawa bago nila iturn over sa amin.

tuesday na kami nakapag withdraw sa bank for the payment kaya tuesday na na release yung sasakyan. sayang nga kse hindi naman kami maka absent ni howell kaya mom & dad ko na lang ang nagbigay ng payment at kumuha nung sasakyan.

here's a picture of howell's new toy:

Image hosted by Photobucket.com
sportage - front view

Image hosted by Photobucket.com
sportage - back view

Image hosted by Photobucket.com
sportage - side view

sobrang happy talaga ni howell kagabi pag uwi namin noong makita nya yung bago nyang sportage. he's so happy talaga (parang bata na nabilhan ng bagong laruan :) ). pero i'm really happy seeing him so happy.

0

I've Been Tagged by Velvet

Posted by abie on 9:31 AM
1. What are the things you enjoy doing when there's no one around you?
- lying in our couch habang nakataas ang 2 paa ko sa back ng seat while watching my favorite shows from AXN, Lifestyle Channel, ETC, & Star World
- sleep, sleep, sleep
- blog hopping
- reading emails from w@w & n@w

2. What lowers your stress/blood pressure/anxiety level?
- howell
- sassy, our dog
- my 2 cousins, aliah & jego
- chocolates
- watching tv or movie

3. Tag 5 friends and post it in theirs
- Cynch
- Mec
- Kitts
- Faye
- Yax

1

bad trip ako today

Posted by abie on 2:56 PM
just want to vent out my dissapointment with ariel javelosa photography.....


last july 17, we went to there shop to submit our long overdue selection of pictures for our album plus the pictures for our video. they only require us to select 250 pictures for the album. pero sobrang hirap talaga pumili kaya sabi ni grace (staff ni ariel), dalhin na lang daw namin sa kanila yung mga pictures and i-arrange nila by sequence. baka daw kse may mga magkakapareho lang na shots.

when we arrived at their shop, wala na si grace so ibang staff ni ariel yung nakausap namin. so sinabi nga namin na 350++ pa yung napili namin. so sabi nga nya na i-arrange nila by sequence yung mga pictures kse nga baka may mga doble. pero sabi ko naka arrange na din by sequence yung binigay namin sa kanila and di-nouble check ko talaga kung may mga doble or halos pare parehong shots, so malamang kaunti na lang talaga mabawas don. so i asked if how much yung charge for each additional page. since, pasok pa naman sa budget namin nag decide kami ni howell na magbayad na lang ng additional, per page na sosobra sa 42 pages. so ok na and sabi nga ng kausap namin, after 2 months ready na yung album.

i called them kanina to follow up on our video kse dapat last week pa na release yun. gusto ko kse sana makuha na yung video this saturday kse uwi kami sa bulacan ng sunday para mapanood ng lolo ko yung video and bday ng pamangkin ni howell sa saturday para maipakita na din namin sa family ni howell. pero hind pa nga daw tapos yung video. try ko daw next friday.

so finollow up ko naman yung album. nagulat ako kse hindi pa daw nasisimulan. more than one month na sa kanila yun and wala pa daw nagagawa. kse daw may problema yung selection namin kse sobrang dami nga daw. sabi ko sa kausap ko, ang sabi naman namin willing naman kami magbayad ng extra kse ng ayaw na namin pumili. pina compute pa namin sa kausap namin noong july 17 kung mga ilang pages pa ang idagdag sa sobrang pictures na napili namin and nagkasundo na din kami sa price. sabi ng kausap ko, madami pa din daw kse yung sobra sa napili namin. pero sabi ko nga bakit wala namang tumatawag sa amin para sabihin na kailangan namin magpunta don para bawasan pa yung napili namin. buong akala ko nasimulan na sya yun pala, all the while naka save lang sa computer nila yung mga napili naming pictures and di man lang nila nagalaw.

ayoko na lang makipag talo kse mabait naman yung kausap ko and mabait naman in general mga staff ni ariel. pero nanghihinayang lang ako sa 1 month na lumipas. mga november na namin makuha album namin (that is kung on time ang delivery nila). naisip ko na lang baka kasalanan din namin kse nga late na kami nagpasa ng selection namin. pero, wala naman na akong magagawa kahit mainis ako. baka maka apekto lang sa baby ko.

totoo nga sabi ng mommy ko, mauna pa yung baby namin, sa album namin.....hehehehe....

0

Bella's Baby Shower

Posted by abie on 10:18 AM
Last aug 5, my SK friends threw a baby shower for Baby Bella (why Bella?Gusto na kse namin yung Ysabelle/Isabel as 2nd name for our baby girl pero we're still thinking for a nice 1st name that goes well with Ysabelle). It was organized by my dear friend Dante.

7 PM ang usapan namin sa house namin pero umulan kse noong hapon kya nahirapan kmi umuwi ni Howell from Makati plus traffic pa kya i texted all of them para sabihing mga 8 na sila magpunta sa bahay. Pero medyo late na ako nakapag text (6:45 ko na ata sila na text) kaya noong nabasa ni Dante txt ko, nasa labas na daw sya ng bahay namin (aga nga nya eh.) Kaya i just told him to get the key from my parent's house. I called him around 7:30 to check kung nakapasok na sya sa bahay namin at para sabihing, maging at home lang sya don. May dala pala syang sinampalukang manok. Speciality nya kse yun and yun ang favorite ng barkada namin. And sabi ko ako na lang mag luto ng rice. Kaya when I called him, na realize nya na hindi pa ako nakakapag luto ng rice kaya nag offer na sya na sya mag saing. Sabi ng nya, hanggang ngayon ba naman daw, sya pa din cook ng barkada (tuwing mag out of town kse kami, sya lagi in charge sa budget at food). kaya ayun, napasaing pa sya ng di oras.

Dumating kami mga around 8:30 na. Before kami dumiretso sa bahay, dumaan muna kami sa Mercury Drug para bumili ng Fundador (sabi ko kse yuna ng sagot ko eh.) Halata bang malakas uminom mga barkada ko?..hehehe...puro lalake kse. Ako lang and yung best friend kong si aubrey ang girl sa barkada kaya super baby kami sa mga guys namin. Then bumili din kami ng tube ice sa 7-11 and inihaw na liempo pandagdag sa ulam at pulutan.

Mga around 9 na nagdatingan yung iba kong friend. Gutom na kami pagdating sa bahay kaya kumain na kami ng sinampalukang manok ni Dante kahit wala pa yung iba naming mga barkada. We had chocolate cake naman for dessert (dala naman to ni Aubrey). Sobrang yummy....

After naming kumain, dumating na din yung iba naming barkada. Actually, kunyari lang na baby shower to. Inuman session lang to ng barkada namin....hehehe. Matagal na din kse kaming hindi nagkikita kita. Nagpupunta sila sa bahay para bisitahin kami ni Howell pero hindi sila sabay sabay. Kaya noong Friday lang talaga kami ulit nagkasama sama. Ang saya nga eh kse sobrang miss ko na yung barkada namin. Ang tagal na din namin magkakabarkada. Mula pa noong naging mga SK Chairman kami noong 1996 ata. At kahit na natapos na ang mga term namin, we still keep in touch. And every year di pwedeng wala kaming Christmas party at walang inuman pag birthday ng isa sa amin...hehehe

Habang nag iinuman, nag videoke din kami. May dala kseng magic sing si Aubrey kaya ayun, kantahan sila ng kantahan.

Baby Bella nga pala received a photo album from Dante and toys from Aubrey & Nani. Plus nag pledge na yung isa kong barkada na sya na sagot sa stroller ni Bella. At lahat daw sila dapat ninong at ninang ni Bella. Di daw pwedeng hindi. Tinging ko nga sobrang dami ng ninong at ninang ni Bella at lahat ng friend namin gusto lahat sila ninong at ninang.

Natapos kami mga 2 AM na. Pero kahit puyat sobrang happy naman kse sobrang miss ko na talaga silang lahat.

Copyright © 2009 howell & abie All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.