my hubby's new toy
we've been planning and wanting to buy a car for ages na pero sabi ko nga kay howell pag isipan muna talaga naming mabuti if we really can afford it. so after several several talks about our budget, na convince din nya ako na bumili na kami. sabi nga nya, kailangan daw talaga namin ng sariling sasakyan specially ngayon na malapit na kami mag ka baby. para daw hindi kami mahirapan mag commute. and mas makakatipid pa nga daw kami kse madalas talaga na nag ta-taxi kami.
ang gagamitin naming pambili ng car is yung sobrang pera na makukuha namin sa ni-loan namin sa BPI. nag housing loan kse kami sa BPI para bilhin yung house & lot ng lola ko sa Bulacan. Since mababa interest ngayon ng housing loan, sabi ni howell dagdagan na daw namin yung loan namin para makabili na din daw kami ng sasakyan since maliit lang naman ang madagdag sa monthly amortization pag inincreasan namin yung loan namin to purchase a car. so na-approve naman yung increase sa loan amount namin. pero hindi pa ma re-release yung cheque hangat hindi pa na tra-transfer yung title ng house & lot sa pangalan namin. eh susme pala, sobrang 45 years ang pag asikaso ng transfer ng title. buti na lang pinagtyagaan ng mom & dad ko na magpabalik balik sa bulacan para maayos yung title. imagine, umabot ng almost 5 months ang pag asikaso ng transfer ng title. ang hirap pa sa mga gov't agencies natin, kailangan ka pang magbigay ng lagay para umandar yung papel mo. pag di ka nagbigay ng lagay, aabutin ka pa ng another 45 years para ma process papers nyo. talking about corruption talaga. so finally after almost 5 months, na transfer na din sa amin yung title. so pinasa na namin sa BPI lahat ng required documents and sabi within 2-3 weeks ma release na cheque namin.
so we started looking for cars na sa car finder, sa buy n' sell and we started visiting yung mga shops na nag titinda ng second hand car. and may nagustuhan kami, yung toyota previa. sobrang ganda nya and halatang alagang alaga ng previous owner yung car. kasama namin brother ko (na marunong talaga pagdating sa mga sasakyan) and yung mom ko. gusto na nga mag bigay ng DP ni howell pero sabi ko wag muna. gusto ko kse ma release muna yung cheque from BPI bago kami mag bigay ng down. pag nagbigay ka kse ng DP, ireserve lang nila yung car sayo ng mga 1-2 weeks tapos kailangan i-full payment mo na. pag di ka nakapag bigay ng full payment, parang ma forfeit na yung DP mo. buti na lang hindi pa nga kami nagbigay ng DP kse may hinanap na naman na papers ang BPI na kailangang kunin sa Register of Deeds sa Bulacan kaya na delay na naman ng mga 2 weeks yung release ng cheque namin. sobrang nalungkot nga si howell coz he's really set on buying it. pero sabi ko nga, pag na release ang cheque at nabenta na yung previa, ibig sabihin hindi talaga para sa amin yun.
last week i called BPI and finally, ma release na daw yung cheque namin ng Friday (Aug 26) afternoon. sobrang excited namin ni howell kaya noong saturday na yun, nag ikot na ulit kami sa mga car shops. too bad, nabenta na yung previa na gusto namin. ang dami naming naikot na shops pero wala pa ring magustuhan si howell. kse nga naka set na yung mind nya sa previa. meron syang na tipuhan ng kaunti, yung mitsubishi space wagon tsaka yung opel vectra pero ayaw pa nya magbigay ng DP kse hoping pa din sya na makakita ng toyota previa. sabi ng isang dealer bihira lang daw talaga yung toyota previa na local (yung karamihan kse ng tinda ngayon is yung mga previa na converted. yung mga galing japan. mga rhd dati na kinonvert to lhd). ayaw naman namin ng converted kse nga kahit mas mura, mabigat daw sa maintenance yun.
so sabi namin mag ikot pa ulit kami the next day. pero since OT si howell ng sunday, ako lang, brother ko at yung dad ko ang nag ikot and may kasama kami na mekaniko. ang dami na din naming naikot pero wala pa din kaming makita ng gusto namin. yung last na shop na pinuntahan namin, yung wheels to go along edsa. and doon namin nakita yung sportage na binebenta nila. syempre ako wala naman akong alam sa kotse. kaya yung dad ko at yung brother ko ang nag usisa. tinest drive nila and chineck ng mekaniko lahat. and ok naman daw. so i took pictures of it and i send it via mms kay howell. aba noong tinawagan ko si howell, hindi pa nya nakikita sa personal eh pinag bibigay na ako ng DP. ang ganda kse ng porma. 4wd sya na suv. so sabi ko kay howell, punta na lang sya don para makita nya tutal naman lunch break na nila. so after ilang minutes lang, andun na sya sa wheels to go (imagine galing pa sya ng roxas blvd. pero ang bilis nya nakarating sa edsa sa sobrang excitement nya). and sobrang type na type nga nya talaga. tinest drive nila ulit and ayun decided na sya na yun ang bilin namin. so nagbigay na kami ng DP and chineck ulit nila ng brother ko yung car para sa mga gusto naming ipagawa bago nila iturn over sa amin.
tuesday na kami nakapag withdraw sa bank for the payment kaya tuesday na na release yung sasakyan. sayang nga kse hindi naman kami maka absent ni howell kaya mom & dad ko na lang ang nagbigay ng payment at kumuha nung sasakyan.
here's a picture of howell's new toy:
sportage - front view
sportage - back view
sportage - side view