0

my 2nd visit to my OB & my ultra sound pictures

Posted by abie on 1:47 PM
last saturday, we visted again my OB. i gave my OB all the results of my laboratory exam. she asked me kse to take several lab exams (urinalysis, FBS, CBC, TVS, etc). sabi ko nga ang hirap pala mag buntis kse sobrang daming kailangang i-check. ok naman lahat ng results ko. mababa lang ang sugar level ko. yung kse yung worry ng OB kse. kse sabi ko mahilig ako kumain ng matatamis (as in, isang upuan kaya kong umubos ng isang chocolate bar). lalo na noong buntis na ako kse gusto ko lagi kumakain ng sweets para hindi ako parang naduduwal. so ok yung FBS ko. pero sabi ng OB ko may UTI daw ako. she gave me antibiotics which i have to take for 7 days, then i have to repeat yung urinalysis ko para ma check kung nag clear na yung infections.

pina ulit din nya sa akin yung TVS ko. yung last na TVS ko daw kse, 5 weeks pa lang kaya wala pang nakitang fetal pole. medyo natakot nga ako kse medyo painful yung TVS eh. pero sobrang happy namin kami after ng TVS kse nakita namin yung baby namin. tinuro sa amin ng doctor na nag ultra sound sa akin kung asan yung baby namin and pinarinig din nya sa amin yung heartbeat nya. noong una ako lang yung nasa loob ng room and noong tinuturo na nga nya sa akin yung baby ko, naisip ko bigla si howell (nag iintay lang kse sya sa akin sa labas). sabi ko sa doctor, baka pwede papasukin si howell. eh makulit at kalog yung doctor, sabi nya pwede. hindi lang daw ako nag tatanong. tuwang tuwa si howell noong nakita nya yung baby namin at narinig yung heartbeat ng bata. nagtanong pa nga sya bakit sobrang bilis daw ng heartbeat. sabi ng doctor, normal daw yun. ok nga yung doctor kse ang daming angle ang kinunan nya sa ultra sound para daw madami kaming souvenir. sabi nga nya swerte kami kse walang tao kaya nakapag laro pa kami at iba ibang angle ang kinunan nya.

below are some pictures of my ultra sound:

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

yung maliit na may arrow, yun yung baby namin. and yung black part surrounding it, yun daw yung swimming pool ng baby namin...:)

here's another picture with the graph of the heart beat of the baby:

Image hosted by Photobucket.com

so noong april 2, 7 weeks and 3 days old na yung baby namin. ang expected date of delivery ko is nov 16 pero according to my OB, pwede pa daw magbago yun.

0 Comments

Copyright © 2009 howell & abie All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.